Simple lang noon,
Sa mundong ginagalawan,
ako ay tinutulungang kumilos ng aking magulang,
mga kapatid at mga kaibigan.
Akala ko noo'y hanggang dun na lang ang kasiyahan.
Sa di inaasahan, Ikaw ay nakilala,
nagbigay ng kakaibang kaba.
Kuryenteng dumadaloy sa aking mga daliri
hanggang sa aking baga,
wari'y nauubusan ng hangin
sa twing ikaw ay aking mamasdan,
naku! lalo na kung ikaw ay tatabi sa akin,
balat na dumadampi,init na di mawari.
at ang lahat ng ito ay di malaman kung ano ang dahilan,
basta ang alam ko..
Di ako Umiibig.naniniwala ka ba?
